LAKBAY SANAYSAY
LAKBAY SANAYSAY
Paglalakbay sa Cebu
Isa sa pinakakilalang lugar sa pilipinas ang Cebu. Sa katotohanan nga kapagbabangitin ang Visayas hindi lalayo na mapag usapan ang Cebu.
Kung kaya’y nagdesisyon kame ng aking pamilya na mag bakasyon sa Cebu ng 4 na araw. Ito ay nangyari 4 na taon na ang nakalipas noong sa bohol pa kami nakatira.
Pag dating namin sa Mactan International Airport mainit na salubong ang natanggapnamin mula sa kamag anak namin na naninirahan sa Cebu. Sinundo nila kame atdinala sa suki na hotel ng aking lola na Elegant Circle Inn. Puno ng tawa at katuwatuwa ang biyahe papunta sa hotel na tumagal ng higit isang oras dahil sa traffic.Ngunit dahil sa ligaya na naramdam namin sa pag uusap ay wala sino nakaramdamsa oras. Pagdating sa hotel, nagpahinga kami ng sandali at kumain ng hapunan salabas kasama ang maligayang kamag anak namin.
Sa pagsapit ng umaga sa sumunod na araw ay naghanda kame para pumasya sa kamangha mangha na Magellan’s Cross.
Nang dumating kame salugar ay namangha ang aking damdamin naparang ramdam na ramdam ko ang pagiging banalng lugar. Nakikita ko din sa mga ngiti ng bawattao na dinadaanan ko na puno ng ligaya ang lugar.Magalang ang mga tao at ang ganda ng lugar.Nakipag pictorial pa kame hanggang maghapon. Sa totoo nga hindi namin napansinna gutom na pala kame. Nang malakas na ang pag reklamo n gaming sikmura ay nagpasya na kameng umalis para magahanap ng kainan ay tuluyan ng umuwi sa hotelbago magsapit ang gabi.Sa sunod na araw ay maaga kamenaghanda at nag alis ng hotel dahilsa mahabang biyahe papunta sa isasam ga pinakakilalang shrine saPilipinas ang Simala Shrine saSibonga Cebu.
Sa katotohan lang sasobrang haba ng biyahe aynakatulog ako at sa aking pag gisingay dumating na kame sa amingdestinasyon. Ang ganda at ang laking Simala sa katotohanan lang ay ito ay ang pinakamalaking lugar na banal na akingnapuntahan sa aking buhay hanggang ngayon.
Masarap ang tanawin at gaya saMagellans Cross ay puno ng ngiti ang lugar. Buong araw namin nililibutan ang Simalaat masasabi ko na puno ng saya ang bawat sandali. Kaya hanggang sa lumipat na nga kami ng tinitirhan dito sa cebu.
Name: Nova Dumaguit
HP22