LAKBAY SANAYSAY
Breathtaking Beaches
Ang Mamangal Beach ay nagbibigay na magandang tanawin ng Mayon Volcano. Ang underwater scene ay ginagawang must-visit na lugar para sa mga scuba divers.
Bukod sa pinkish white sand na taglay nito, mayroon rin ito na perpektong lagoon na matatagpuan ilang metro malayo sa dagat na tiyak na mamamangha sa ganda.
Ang Caramoan Islands ay ang paboritong lokasyon ng mga banyagang bumibisita. Ito ay marilag at sa nakakamanghang white beaches at rock formations na talaga namang dinadayo. Ito rin ay palaging nasa listahan ng mga dapat- makita na lugar sa Bicol.
Ito ay isang bayan na binubuo ng 7 maliliit na isla na napapalibutan ng puting buhangin at pine trees- isang napakabihirang paningin sa rehiyon ng Bicol. Ang mga kababaihan ay aktibo sa pagprepreserbang marine ecosystem sa paligid ng Mercedes Group of Islands.
Ang bicol ay ang isa sa mga lugar na hinding hindi ko malilimutan kailanman. Bukod sa napakaganda ng lugar ay marami di'ng mga beaches na kay ganda naman talagang puntahan. Hinding hindi talaga ako nag sisisi na sumama ako sa kanila papuntang bicol. Hindi man lahat ay napuntahan ko pero masasabi ko talaga na grabe yung naging karanasan ko doon.
Yung mga litrato sa itaas iyan yung mga iba't ibang mga beach na hinding hindi mo talaga pagsisihan kapag pumunta ka doon. Sobrang linis at sobrang ganda ng mga lugar nila. Masarip di'n yung mga pagkain nila at nakapabait ng mga tao doon sa kanilang mga panauhin.
Ito ang isa sa mga lugar na napuntahan ko kailanman. Wala man akong ibang litrato para ibahagi ko sakanila ang naging karanasan ko doon. Meron naman ito sa memorya na nanagsisilbing inspirasyon sa akin na balang araw babalik din ako roon at pupuntahan ko talaga yung ibang mga beaches na hindi ko na puntahan.
Name: Melanie S. Rodrigo
Seksyon HP22